The Bible Software
bible.software › Jeremias › Jeremias 40 › Jeremias 40:10

Jeremias 40:10

At tingnan ninyo, naninirahan ako sa Mizpa upang makipagkita sa mga Caldeo na dumating sa atin. Kaya mag-ani kayo ng mga alak, mga bunga sa tag-araw, at langis at ilagay ninyo sa inyong mga lalagyan. Manirahan kayo sa mga lungsod na inyong tinirahan.”

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

As for me, behold, I will dwell at Mizpah to serve the Chaldeans, which will come unto us: but ye, gather ye wine, and summer fruits, and oil, and put them in your vessels, and dwell in your cities that ye have taken.

In Context

9Si Gedalias na anak ni Ahikam na anak ni Safan ay sumumpa sa kanila at sa kanilang mga kalalakihan, at sinabi sa kanila, “Huwag kayong matakot na maglingkod sa mga opisyal na mga Caldeo. Manirahan kayo sa lupain at paglingkuran ang hari ng Babilonia, at makakabuti ito sa inyo.

11At narinig ng lahat ng mga taga-Juda na nasa Moab, kasama ng mga tao ng Amon, at sa Edom, at sa bawat lupain na pinahintulutang manatili ng hari ng Babilonia ang nalalabi ng Juda, na itinalaga niya sa kanila si Gedalias na anak ni Ahikam na anak ni Sapan.

Read all of Jeremias 40

Cross References

2 Samuel 16:1Nang makaalis si David nang di kalayuan sa tuktok ng burol, sinalubong siya ni Ziba ang lingkod ni Mefiboset na may dalawang upuang asno; may dalawandaang tinapay sa mga ito at sandaang kumpol ng mga pasas at sandaang buwig ng igos at isang balat na sisidlang alak.

Isaiah 16:9Tunay nga na iiyak ako kasama ng Jazer dahil sa taniman ng ubas ng Sibma. Tutubigan kita ng aking luha, Hesbon, at Eleale. Dahil sa iyong taniman ng mga prutas at tinapos ko ang aking pag-ani nang may sigaw ng kagalakan.

Jeremiah 39:10Ngunit pinayagan ni Nebuzaradan na kapitan ng mga tagapagbantay ng hari ang pinakamahihirap na mga taong walang wala para sa kanilang mga sarili upang manatili sa lupain ng Juda. Binigyan niya sila ng mga ubasan at mga bukid sa araw ding iyon.

Jeremiah 40:12Kaya bumalik sa bawat lugar ang lahat ng mga taga-Juda kung saan sila ikinalat. Bumalik sila sa lupain ng Juda, kay Gedalias sa Mizpa. Inaani nila ang alak at mga bunga sa tag-araw sa labis na kasaganaan.

Jeremiah 48:32Tatangis ako sa inyo ng higit sa pagtatangis ko sa Jazer, sa iyo na puno ng ubas ng Sibma! Ang iyong mga sanga ay lumampas sa Dagat na Asin at umabot hanggang sa Jazer. Nilusob ng mga tagawasak ang iyong mga bunga sa tag-araw at ang iyong alak.

Luke 21:36Ngunit maging mapagmatiyag kayo sa lahat ng oras, nananalangin na kayo ay magkaroon ng sapat na lakas upang matakasan ninyo ang lahat ng ito na magaganap, at upang tumayo sa harapan ng Anak ng Tao.”

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Jeremias 40:10

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Jeremias 40:9Jeremias 40Jeremias 40:11 →