Jeremias 40:11
Gayon din nang mabalitaan ng lahat ng Judio na nangasa Moab, at sa gitna ng mga anak ni Ammon, at sa Edom, at ng nangasa lahat ng lupain, na ang hari sa Babilonia ay nagiwan ng labi sa Juda, at inilagay niya sa kanila si Gedalias na anak ni Ahicam, na anak ni Saphan:
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 22:1At ang mga anak ni Israel ay naglakbay at humantong sa mga kapatagan ng Moab sa dako roon ng Jordan na nasa tapat ng Jerico.
1 Samuel 11:1Nang magkagayo'y umahon si Naas na Ammonita at humantong laban sa Jabes-galaad: at sinabi kay Naas ng lahat na lalake sa Jabes, Makipagtipan ka sa amin, at kami ay maglilingkod sa iyo.
Isaiah 16:4Patirahin mong kasama mo ang aking natapon; tungkol sa Moab, maging kanlungan ka niya sa mukha ng mananamsam: sapagka't ang mamimighati ay mauuwi sa wala, ang pagsamsam ay matitigil, ang mga mamimighati ay malilipol sa lupain.
Jeremiah 43:5Kundi kinuha ni Johanan na anak ni Carea, at ng lahat na kapitan sa mga kawal ang buong nalabi sa Juda na nagbalik na mula sa lahat ng mga bansa na pinagtabuyan nila na mangibang bayan sa lupain ng Juda;
Ezekiel 5:3At kukuha ka sa mga yaon ng kaunti sa bilang, at ipagtatali mo sa iyong mga tunika.
Ezekiel 25:2Anak ng tao, ititig mo ang iyong mukha sa mga anak ni Ammon, at manghula ka laban sa kanila: