The Bible Software
bible.software › Jeremias › Jeremias 40 › Jeremias 40:5

Jeremias 40:5

Nang hindi sumagot si Jeremias, sinabi ni Nebuzaradan, “Pumunta ka kay Gedalias na anak ni Ahikam na anak naman ni Safan, na itinalaga ng hari ng Babilonia sa mga lungsod ng Juda. Manatili ka sa kaniya kasama ang mga tao o pumunta ka kung saanman ang mabuti sa iyong paninging puntahan.” Binigyan siya ng pinuno ng mga tagapagbantay ng hari ng pagkain at ng isang kaloob, at pinalaya siya.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

Now while he was not yet gone back, he said, Go back also to Gedaliah the son of Ahikam the son of Shaphan, whom the king of Babylon hath made governor over the cities of Judah, and dwell with him among the people: or go wheresoever it seemeth convenient unto thee to go. So the captain of the guard gave him victuals and a reward, and let him go.

In Context

4Ngunit tingnan mo ngayon! Pinakawalan kita sa araw na ito mula sa mga kadenang nasa iyong mga kamay. Kung mabuti sa iyong paningin na sumama sa akin sa Babilonia, halika, at aalagaan kita. Ngunit kung hindi mabuti sa iyong paningin ang sumama sa akin sa Babilonia, kung gayon huwag mong gawin. Tumingin ka sa lahat ng lupaing nasa iyong harapan. Pumunta ka kung saan mabuti at tama sa iyong paninging puntahan.”

6Kaya pumunta si Jeremias kay Gedalias na anak ni Ahikam, sa Mizpa. Nanatili siya sa kaniya kasama ang mga tao na naiwan sa lupain.

Read all of Jeremias 40

Cross References

2 Kings 22:12Inutusan ng hari sina Hilkias ang pari, Ahikam na anak ni Safan, Akbor na anak ni Mikaias, Safan ang eskriba, at Asaias, ang kaniyang sariling lingkod, na sinasabing,

2 Kings 25:22Tungkol sa mga natirang mamamayan sa lupain ng Juda, ang mga iniwan ni Nebucadnezar hari ng Babilonia, itinalaga niya si Gedalias na anak ni Ahikam na anak ni Safan, para mamahala sa kanila.

Ezra 7:6Umalis si Ezra mula sa Babilonia. Isa siyang dalubhasang eskriba sa batas ni Moises na ibinigay ni Yahweh, ang Diyos ng Israel. Ibinigay ng hari sa kaniya ang kahit anong bagay na kaniyang hingin yamang ang kamay ni Yahweh ay kasama niya.

Nehemiah 1:11Yahweh, ako ay nakikiusap sa iyo, pakinggan mo ngayon ang panalangin ng iyong lingkod at ang panalangin ng iyong mga lingkod na nasisiyahang parangalan ang iyong pangalan. Ngayon bigyan mo ng katagumpayan ang iyong lingkod sa araw na ito, at ipagkaloob mo sa kaniya ang habag sa paningin ng taong ito.” Ako ay naglingkod bilang tagapagdala ng kopa ng hari.

Job 22:29Binababa ng Diyos ang mga mapagmataas, nililigtas niya ang mga nakababa ang mga mata.

Proverbs 21:1Ang puso ng hari ay isang batis ng tubig sa kamay ni Yahweh; siya ang pumapatnubay dito kahit saan niya naisin.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Jeremias 40:5

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Jeremias 40:4Jeremias 40Jeremias 40:6 →