bible.software › Jeremias › Jeremias 40 › Jeremias 40:6
Jeremias 40:6
Kaya pumunta si Jeremias kay Gedalias na anak ni Ahikam, sa Mizpa. Nanatili siya sa kaniya kasama ang mga tao na naiwan sa lupain.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Then went Jeremiah unto Gedaliah the son of Ahikam to Mizpah; and dwelt with him among the people that were left in the land.
In Context
5Nang hindi sumagot si Jeremias, sinabi ni Nebuzaradan, “Pumunta ka kay Gedalias na anak ni Ahikam na anak naman ni Safan, na itinalaga ng hari ng Babilonia sa mga lungsod ng Juda. Manatili ka sa kaniya kasama ang mga tao o pumunta ka kung saanman ang mabuti sa iyong paninging puntahan.” Binigyan siya ng pinuno ng mga tagapagbantay ng hari ng pagkain at ng isang kaloob, at pinalaya siya.
7Ngayon, narinig ng ilang mga pinuno ng mga kawal ng Juda na nasa kabukiran—sila at ng kanilang mga kalalakihan—na ginawang gobernador ng hari ng Babilonia sa lupain si Gedalias na anak ni Ahikam. Narinig din nila na itinalaga niya siyang mamahala sa mga kalalakihan, kababaihan at sa mga batang pinakamahirap na mga tao sa lupain, ang mga hindi binihag sa Babilonia.
Read all of Jeremias 40
Cross References
Joshua 18:26Mizpe, Kepira, Moza,
Judges 21:1Ngayon gumawa ng isang pangako ang mga kalalakihan ng Israel sa Mizpa, “Wala sa amin ang magbibigay ng kaniyang anak na babae para ipakasal sa isang Benjaminita.”
Jeremiah 39:14Kinuha ng kanilang mga kalalakihan si Jeremias mula sa patyo ng mga bantay at ipinagkatiwala siya kay Gedalias na anak ni Ahikam na anak naman ni Safan, upang iuwi siya, kaya nanatili si Jeremias kasama ng mga tao.
This Verse In Other Editions
Study Jeremias 40:6