Jeremias 41:10
Kasunod nito, binihag ni Ismael ang lahat ng taong nasa Mizpa, ang mga anak na babae ng hari at ang lahat ng mga taong naiwan sa Mizpa na itinalaga ni Nebezaradan na punong tagapagbantay ni Gedalias na anak ni Ahicam. Kaya binihag sila ni Ismael na anak ni Netanias at tumawid sa mga Ammonita.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Nehemiah 2:19Pero nang marinig nila Sanballat na Horonita, at ni Tobias ang Ammonitang lingkod, at Gesem na taga-Arabya ang tungkol dito, pinagtawanan nila kami at nilait, at sinabi nila, “Ano ang ginagawa ninyo? Naghihimagsik ba kayo laban sa hari?”
Nehemiah 6:17Sa panahong ito nagpadala ang mga maharlika sa Juda ng maraming liham kay Tobias, at dumating sa kanila ang mga liham ni Tobias.
Jeremiah 22:30Ito ang sinasabi ni Yahweh, 'Isulat ang tungkol sa lalaking ito na si Jehoiakin: Siya ay mawawalan ng anak. Hindi siya naging masagana sa kaniyang panahon, at wala sa kaniyang mga angkan ang magtatagumpay o kailanman ay hindi makauupo sa trono ni David at maghari sa buong Juda.”'
Jeremiah 40:7Ngayon, narinig ng ilang mga pinuno ng mga kawal ng Juda na nasa kabukiran—sila at ng kanilang mga kalalakihan—na ginawang gobernador ng hari ng Babilonia sa lupain si Gedalias na anak ni Ahikam. Narinig din nila na itinalaga niya siyang mamahala sa mga kalalakihan, kababaihan at sa mga batang pinakamahirap na mga tao sa lupain, ang mga hindi binihag sa Babilonia.
Jeremiah 40:14Sinabi nila sa kaniya, “Alam mo ba na ipinadala ni Baalis na hari ng mga tao ng Amon si Ismael na anak ni Netania upang patayin ka?” Ngunit hindi naniwala sa kanila si Gedalias na anak ni Ahikam.
Jeremiah 43:6Kinuha nila ang mga lalaki at mga babae, mga anak at ang mga anak na babae ng hari at ang bawat tao na hinayaang manatili ni Nebuzeradan na pinuno ng tagabantay ng hari kasama si Gedalias na anak ni Ahicam na anak ni Safan. Kinuha din nila si propeta Jeremias at si Baruc na anak ni Nerias.