Jeremias 41:5
May ilang lalaki ang dumating galing Shekem, galing sa Shilo, at galing sa Samaria—walumpung kalalakihan ang nag-ahit ng kanilang mga balbas, pinunit ang kanilang mga damit at sinugatan ang kanilang mga sarili—na may dalang mga pagkaing ihahandog at kamanyang sa kanilang mga kamay upang pumunta sa tahanan ni Yahweh.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
4At ito ang ikalawang araw pagkatapos nang pagpatay kay Gedalias, ngunit walang sinuman ang nakaalam.
Cross References
Genesis 34:2Nakita siya ni Sechem, na anak ni Hamor na Hevita ang prinsipe ng lupain at hinila siya, nilapastangan at hinalay.
Deuteronomy 14:1Kayo ang mga tao ni Yahweh na inyong Diyos. Huwag ninyong putulan ang inyong mga sarili, ni ahitan ang anumang bahagi ng inyong mukha para sa patay.
Joshua 24:32Ang mga buto ni Jose, na dinala palabas ng bayan ng Israel mula Ehipto—inilibing nila ang mga ito sa Sechem, sa kapirasong lupain na binili ni Jacob mula sa mga anak na lalaki ni Hamor, ang ama ni Sechem. Binili niya ito sa halagang isang daang pirasong pilak, at ito ay naging isang pamana para sa mga kaapu-apuhan ni Jose.
1 Samuel 1:7Kaya taon-taon, kapag umaakyat siya sa bahay ni Yahweh kasama ang kanyang pamilya, palagi siyang ginagalit ng kanyang karibal. Kaya umiiyak na lang siya at hindi na kumakain.
1 Kings 12:1Nagpunta si Rehoboam sa Shekem, dahil ang buong Israel ay darating sa Shekem para gawin siyang hari.
1 Kings 16:24Binili niya ang bulubundukin ng Samaria kay Semer sa halagang dalawang talentong pilak. Nagtayo siya ng lungsod sa bulubundukin at tinawag niya itong Samaria, ayon sa pangalan ni Semer, ang dating may-ari ng bulubundukin.