Jeremias 41:8
Ngunit mayroong sampung kalalakihan na kasama nila ang nagsabi kay Ismael, “Huwag mo kaming patayin, sapagkat may mga pagkain sa aming bukid: trigo at sebada, langis at pulot-pukyutan.” Kaya hindi niya sila pinatay pati ang iba pa nilang mga kasama.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Job 2:4Sumagot si Satanas kay Yahweh at sinabing, “Balat sa balat naman; kayang ibigay ng tao ang lahat-lahat ng pag-aari niya para lamang siya mabuhay.
Proverbs 13:8Ang taong mayaman ay maaaring tubusin ang kaniyang buhay sa pamamagitan ng kaniyang mga ari-arian, pero ang taong mahirap ay hindi makatatanggap ng ganiyang uri ng pagbabanta kailanman.
Matthew 6:25Ngayon sasabihin ko sa inyo, huwag kayong mabalisa sa inyong buhay, kung ano ang inyong kakainin o ang inyong iinumin—o tungkol sa inyong katawan, kung ano ang inyong isusuot. Sapagkat hindi ba mas higit ang buhay kaysa sa pagkain, at ang katawan kaysa sa mga damit?
Mark 8:36Ano ang mapapala ng isang tao, na makuha ang buong mundo at pagkatapos ay mawala ang kaniyang sariling buhay?