Jeremias 42:2
Sinabi nila sa kaniya, “Hayaan na ang aming mga kahilingan ay makarating sa iyong harapan. Ipanalangin mo kami kay Yahweh na iyong Diyos sapagkat kakaunting bilang na lamang ng mga tao ang natira, tulad ng nakikita mo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 8:28Sinabi ni Paraon, “Papayag ako na umalis kayo at maghandog kay Yahweh na inyong Diyos doon sa ilang. Huwag lamang kayong pumunta sa napakalayo. At ipanalangin ninyo ako.”
Leviticus 26:22Magpapadala ako ng mapanganib na mga hayop laban sa inyo na magnanakaw ng inyong mga anak, lilipol ng inyong mga baka at magpapakaunti ng inyong bilang. Kaya magiging pinabayaan ang inyong mga daanan.
Deuteronomy 28:62Kayo ay maiiwang kakaunti ang bilang, kahit na tulad kayo ng mga bituin ng kalangitan sa bilang, dahil hindi kayo nakinig sa boses ni Yahweh na inyong Diyos.
1 Samuel 7:8Pagkatapos sinabi ng bayan ng Israel kay Samuel, “Huwag kang tumigil sa pagtawag kay Yahweh na ating Diyos para sa amin, upang iligtas niya kami mula sa kamay ng mga Filisteo.”
1 Samuel 12:23Para sa akin, huwag nawang ipahintulot na magkasala ako laban kay Yahweh sa pamamagitan ng pagtigil sa pananalangin para sa inyo. Sa halip, ituturo ko sa inyo ang daang mabuti at tama.
Psalms 119:170Makarating nawa ang aking pagsamo sa harap mo; tulungan mo ako gaya ng ipinangako mo sa iyong salita.