The Bible Software
bible.software › Jeremias › Jeremias 42 › Jeremias 42:3

Jeremias 42:3

Tanungin mo kay Yahweh na iyong Diyos upang sabihin sa amin ang daang dapat naming puntahan at kung ano ang dapat naming gawin.”

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

That the LORD thy God may shew us the way wherein we may walk, and the thing that we may do.

In Context

2Sinabi nila sa kaniya, “Hayaan na ang aming mga kahilingan ay makarating sa iyong harapan. Ipanalangin mo kami kay Yahweh na iyong Diyos sapagkat kakaunting bilang na lamang ng mga tao ang natira, tulad ng nakikita mo.

4Kaya sinabi ni propeta Jeremias sa kanila, “Narinig ko kayo. Tingnan ninyo, ipapanalangin ko kay Yahweh na inyong Diyos gaya ng inyong hiniling. Anuman ang mga tugon ni Yahweh, sasabihin ko sa inyo. Wala akong ililihim sa inyo.”

Read all of Jeremias 42

Cross References

Deuteronomy 5:29O, na ipagpatuloy nawa nila ang ganitong puso na nasa kanila, na parangalan nila ako at patuloy na sundin ang aking mga utos, nawa ay makabuti ito para sa kanila at sa kanilang mga anak magpakailanman!

Ezra 8:21Pagkatapos nagdeklara ako ng pag-aayuno sa Lagusan ng mga Ahava upang magpakumbaba kami sa harap ng Diyos, upang humingi ng tuwid na landas mula sa kaniya para sa amin, sa aming mga anak, at sa lahat ng aming mga ari-arian.

Psalms 27:11Ituro mo sa akin ang iyong daan, Yahweh! Pangunahan mo ako sa patag na landas dahil sa aking mga kaaway.

Psalms 143:8Hayaan mong marinig ko ang iyong katapatan sa tipan sa umaga, dahil nagtitiwala ako sa iyo. Ipakita mo sa akin ang daan kung saan ako dapat lumakad, dahil itinataas ko ang aking kaluluwa sa iyo.

Isaiah 2:3Maraming tao ang pupunta at magsasabing, “Halika, umakyat tayo sa bundok ni Yahweh, sa tahanan ng Diyos ni Jacob para turuan niya tayo ng kaniyang mga pamamaraan at sa gayon lumakad tayo sa kaniyang landas.” Dahil sa Sion magmumula ang batas, at ang salita ni Yahweh mula sa Jerusalem.

Micah 4:2Maraming bansa ang pupunta at sasabihin, “Halikayo, umakyat tayo sa bundok ni Yahweh, sa tahanan ng Diyos ni Jacob. Ituturo niya sa atin ang kaniyang mga kaparaanan at lalakad tayo sa kaniyang mga landas.” Sapagkat mula sa Zion lalabas ang kautusan, at ang salita ni Yahweh mula sa Jerusalem.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Jeremias 42:3

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Jeremias 42:2Jeremias 42Jeremias 42:4 →