Jeremias 42:4
Kaya sinabi ni propeta Jeremias sa kanila, “Narinig ko kayo. Tingnan ninyo, ipapanalangin ko kay Yahweh na inyong Diyos gaya ng inyong hiniling. Anuman ang mga tugon ni Yahweh, sasabihin ko sa inyo. Wala akong ililihim sa inyo.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 8:29Sinabi ni Moises, “Pagkaalis na pagkaalis ko mula sa iyo, mananalangin ako kay Yahweh na ang mga kuyog ng langaw ay aalis mula sa inyo, Paraon, at sa iyong mga lingkod at sa bayan mo bukas. Pero ikaw ay hindi na dapat manlinlang sa pamamagitan ng hindi pagpaalis sa aking bayan para maghandog kay Yahweh.”
1 Samuel 12:23Para sa akin, huwag nawang ipahintulot na magkasala ako laban kay Yahweh sa pamamagitan ng pagtigil sa pananalangin para sa inyo. Sa halip, ituturo ko sa inyo ang daang mabuti at tama.
2 Chronicles 18:13Sumagot si Micaias, “Sa ngalan ni Yahweh na buhay magpakailanman, ang sinasabi ng Diyos ang aking sasabihin.”
Jeremiah 23:28Ang propetang may panaginip, hayaang ibalita ang kaniyang panaginip. Ngunit sa isa na pinahayagan ko ng ilang bagay, ipahayag niya ng makatotohanan ang aking salita. Ano ang gagawin ng dayami sa kaniyang butil? —Ito ang pahayag ni Yahweh—
Acts 20:20Alam ninyo na hindi ko ipinagkait na ituro sa inyo ang mga bagay na nakatutulong, at kung paano ko kayo tinuruan sa publiko at pumunta din ako sa mga bahay-bahay.
Romans 10:1Mga kapatid, ang nais ng aking puso at ang hiling ko sa Diyos ay para sa kanila, para sa kanilang kaligtasan.