Jeremias 42:5
Sinabi nila kay Jeremias, “Nawa ay maging tunay at tapat na saksi laban sa atin si Yahweh, kung hindi namin gagawin ang lahat ng bagay na pinagagawa sa amin ni Yahweh na iyong Diyos.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 20:7Hindi ninyo dapat kunin ang pangalan ko, si Yahweh ang inyong Diyos, sa walang kabuluhan, dahil hindi ko ituturing na walang pagkakakasala ang sinumang kukuha ng pangalan ko sa walang kabuluhan.
Deuteronomy 5:27Para sa iyo, kailangan mong umalis at makinig sa lahat ng bagay na sasabihin ni Yahweh na ating Diyos; sabihing muli sa amin ang lahat ng bagay na sinabi ni Yahweh; makikinig kami at susundin ito.'
1 Samuel 12:5Sinabi niya sa kanila, “Saksi si Yahweh laban sa inyo, at ang kanyang hinirang ay saksi ngayon, na wala kayong nakita sa aking kamay.” At sumagot sila, “Saksi si Yahweh.”
Jeremiah 5:2Kahit na sinasabi nila, 'Sa pamamagitan ng buhay ni Yahweh,' sumusumpa sila ng hindi totoo.”
Micah 1:2Makinig, lahat kayong mga tao. Makinig ka lupa at ang lahat ng nasa iyo. Hayaan na ang Panginoong si Yahweh ang maging saksi laban sa iyo, ang Panginoon na mula sa kaniyang banal na templo.
Malachi 3:5“Pagkatapos lalapit ako sa inyo para sa paghahatol. Magiging isa akong mabilis na saksi laban sa mga manghuhula, sa mga mangangalunya, sa mga hindi totoong saksi, at laban sa mga nang-aapi sa mga inuupahang manggagawa sa kaniyang sahod, sila na nang-aapi sa mga balo at sa mga ulila, at naglalayo sa mga dayuhan sa kanilang mga karapatan, at laban sa mga taong hindi ako pinararangalan,” sabi ni Yahweh ng mga hukbo.