The Bible Software
bible.software › Jeremias › Jeremias 44 › Jeremias 44:12

Jeremias 44:12

Sapagkat kukunin ko ang natira sa Juda na nakatakdang lumabas upang pumunta sa lupain ng Egipto upang manirahan doon. Gagawin ko ito upang silang lahat ay mamatay sa lupain ng Egipto. Mamamatay sila sa pamamagitan ng espada at taggutom. Mula sa pinakahamak hanggang sa pinakadakila mamamatay sila sa pamamagitan ng espada at taggutom. Mamamatay sila at magiging kaganapan ng panunumpa, pagsusumpa, paninisi at isang kakila-kilabot na bagay.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

And I will take the remnant of Judah, that have set their faces to go into the land of Egypt to sojourn there, and they shall all be consumed, and fall in the land of Egypt; they shall even be consumed by the sword and by the famine: they shall die, from the least even unto the greatest, by the sword and by the famine: and they shall be an execration, and an astonishment, and a curse, and a reproach.

In Context

11Kaya sinabi ito ni Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, “Tingnan ninyo, malapit ko ng ibaling ang aking mukha laban sa inyo upang magdala ng kapahamakan sa inyo at upang lipulin ang buong Juda.

13Sapagkat parurusahan ko ang mga taong naninirahan sa lupain ng Egipto tulad ng pagparusa ko sa Jerusalem sa pamamagitan ng espada, taggutom at salot.

Read all of Jeremias 44

Cross References

Isaiah 65:15Iiwanan ninyo ang inyong pangalan para maging isang sumpa para sa aking mga pinili; ako, ang Panginoon na si Yahweh, ang papatay sa inyo; tatawagin ko ng ibang pangalan ang aking mga lingkod.

Jeremiah 24:9Ibabaling ko sila sa isang nakakatakot na bagay, isang sakuna, sa paningin ng lahat ng kaharian sa lupa, isang kahihiyan at isang sentro ng mga salawikain, mga paghamak, at mga sumpa sa lahat ng lugar kung saan ko sila dinala.

Jeremiah 29:22At isang sumpa ang bibigkasin tungkol sa mga taong ito sa lahat ng mga bihag ng Juda sa Babilonia. Sasabihin sa sumpa: Gawin nawa kayo ni Yahweh na katulad ni Zedekias at Ahab na inihaw sa apoy ng hari ng Babilonia.

Jeremiah 42:22Kaya ngayon, tiyak na dapat ninyong malaman na mamamatay kayo sa pamamagitan ng espada, taggutom, at salot sa lugar kung saan nais ninyong puntahan upang manirahan.”

Jeremiah 44:7Kaya ito ang sinasabi ngayon ni Yahweh, ang Diyos ng mga hukbo at ang Diyos ng Israel, “Bakit kayo gumagawa ng matinding kasamaan laban sa inyong mga sarili? Bakit nagiging sanhi kayo sa inyong mga sarili na maihiwalay mula sa Juda—mga kalalakihan at kababaihan, mga bata at mga sanggol? Walang natira sa inyo ang maiiwan.

Hosea 9:6Sapagkat, tingnan ninyo, kung nakatakas man sila mula sa pagkawasak, titipunin sila ng Egipto at ililibing sila ng Memfis. Ang kanilang kayamanan na pilak—matatakpan ang mga ito ng matatalim na dawag at mapupuno ng mga tinik ang kanilang mga tolda.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Jeremias 44:12

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Jeremias 44:11Jeremias 44Jeremias 44:13 →