Jeremias 44:22
Kaya hindi na niya kayang tiisin ito dahil sa inyong mga masasamang gawain, dahil sa mga kasuklam-suklam na inyong ginawa. Kaya ang inyong lupain ay naging malungkot, nakakatakot at isinumpa kaya wala ng nakatira mula sa araw na ito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 6:3Sinabi ni Yahweh, “Ang aking espiritu ay hindi mananatili sa sangkatauhan magpakailanman, sapagkat sila ay laman. Mabubuhay sila ng 120 taon.”
Genesis 19:13Wawasakin na namin ang lugar na ito, dahil napakarami na ng paratang sa kanila sa harap ni Yahweh, kaya pinadala niya kami para wasakin ito.”
2 Kings 17:15Tinanggihan nila ang kaniyang kautusan at ang tipang ginawa sa pagitan niya at kanilang mga ninuno, at mga utos sa tipan na kaniyang binigay sa kanila. Sinunod nila ang mga walang kabuluhang kaugalian at maging sila mismo ay naging walang kabuluhan. Sinundan nila ang mga paganong bansang nakapaligid sa kanila, silang pinag-utos na Yahweh na huwag gagayahin.
Psalms 107:33Ginagawa niyang ilang ang mga ilog, tuyong lupa ang mga bukal na tubig,
Isaiah 7:13Kaya tumugon si Isaias, “Makinig ka, sambahayan ni David. Hindi pa ba sapat para inyo na subukin ang pagtitimpi ng mga tao? Kailangan mo bang subukin din ang pagtitimpi ng aking Diyos?
Jeremiah 5:9Kaya hindi ko ba sila dapat parusahan at hindi ko ba dapat ipaghiganti ang aking sarili sa bansang gaya nito? Ito ang pahayag ni Yahweh.