Jeremias 44:28
At ang mga nakaligtas sa espada ay magbabalik mula sa lupain ng Egipto tungo sa lupain ng Juda, kaunti lamang ang bilang nila. Kaya lahat ng natirang taga-Juda na nagpunta sa lupain ng Egipto upang doon manirahan ay malalaman kung kaninong salita ang mangyayari: sa akin o sa kanila.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 14:28Sabihin mo sa kanila, 'Dahil ako ay buhay,' sinabi ni Yahweh, 'ayon sa sinabi mo sa aking pandinig, gagawin ko ito sa inyo:
Psalms 33:11Ang mga plano ni Yahweh ay nananatili magpakailanman, ang mga plano ng kanyang puso para sa lahat ng salinlahi.
Isaiah 10:22Kahit na ang iyong mamamayan, Israel, ay kasing dami ng mga buhangin sa dalampasigan, kakaunti lamang mula sa kanila ang babalik. Ang pagkawasak ay naitalaga na, ayon sa hinihingi ng nag-uumapaw na katuwiran.
Isaiah 27:12Mangyayari sa araw na iyon na ihihiwalay ni Yahweh ang dumadaloy na agos ng Ilog ng Eufrates, hanggang sa batis ng Ehipto, at isa-isa kayong titipunin, bayan ng Israel.
Isaiah 46:10Ipinapahayag ko ang wakas mula sa pasimula, at mga bagay na mangyayari na hindi pa nangyayari; Sinasabi ko, “magaganap ang lahat ng balak ko, at gagawin ko ang lahat ng nais kong gawin.”
Jeremiah 44:16Sinabi nila, “Tungkol sa salita na sinabi mo sa amin sa pangalan ni Yahweh: Hindi kami makikinig sa iyo.