Jeremias 44:5
Ngunit hindi sila nakinig. Tumanggi silang magbigay pansin o tumalikod sa kanilang kasamaan sa pagsunog ng insenso sa ibang mga diyos.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Chronicles 36:16Ngunit kinutya nila ang mga mensahero ng Diyos, kinamuhian ang kaniyang mga salita, at hinamak ang kaniyang mga propeta, hanggang sa ang galit ni Yahweh ay nagsimula laban sa kaniyang mga tao hanggang sa ito ay hindi na maiiwasan.
Psalms 81:11Pero hindi nakinig ang aking bayan sa aking mga salita; hindi ako sinunod ng Israel.
Isaiah 48:18Kung sinunod ninyo lamang ang aking mga utos! Ang inyong kapayapaan at kasaganaan sana ay umagos tulad ng ilog, at ang inyong kaligtasan ay tulad ng mga alon ng dagat.
Jeremiah 11:8Ngunit hindi sila nakinig o nagbigay ng pansin. Lumalakad ang bawat tao sa katigasan ng kaniyang masamang puso. Kaya dinala ko ang lahat ng sumpa sa kasunduang ito na inutusan kong dumating laban sa kanila. Ngunit hindi pa rin sumunod ang mga tao.”
Jeremiah 11:13Sapagkat dumami ang bilang ng iyong mga diyos na pumantay sa bilang ng iyong mga lungsod, Juda. At gumawa kayo ng kahiya-hiyang bilang ng mga altar sa Jerusalem, mga altar ng insenso para kay Baal na pumantay sa bilang ng kaniyang mga lansangan.
Jeremiah 19:13kaya magiging katulad ng Tofet ang mga bahay ng Jerusalem at ng mga hari ng Juda—lahat ng mga tahanan na ang bubungan ay pinagsasambahan ng mga hindi malinis na tao sa lahat ng mga bituin sa langit at nagbubuhos ng inuming mga alay sa ibang mga diyos.'”