Jeremias 44:8
Sa pamamagitan ng inyong kasamaan sinaktan ninyo ako sa mga gawa ng inyong mga kamay, sa pamamagitan ng pagsusunog ng insenso sa ibang mga diyos sa lupain ng Egipto, na inyong pinuntahan upang manirahan. Pumunta kayo roon upang kayo ay malipol, upang kayo ay magiging sumpa at kahihiyan sa lahat ng mga bansa sa lupa.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 32:25Sa labas ng espada ay mamimighati, at kilabot ay ganoon din sa mga silid-tulugan. lilipol ito sa parehong binata at dalaga, ang sumususong bata, at ang lalaking may kulay-abong mga buhok.
2 Kings 17:15Tinanggihan nila ang kaniyang kautusan at ang tipang ginawa sa pagitan niya at kanilang mga ninuno, at mga utos sa tipan na kaniyang binigay sa kanila. Sinunod nila ang mga walang kabuluhang kaugalian at maging sila mismo ay naging walang kabuluhan. Sinundan nila ang mga paganong bansang nakapaligid sa kanila, silang pinag-utos na Yahweh na huwag gagayahin.
Isaiah 3:8Sapagkat wasak na ang Jerusalem, at bumagsak ang Juda, dahil ang mga sinasabi nila at ang mga ginagawa nila ay laban kay Yahweh, pagsuway sa marangal niyang kapangyarihan.
Jeremiah 18:16Ang kanilang mga lupain ay magiging isang katatakutan, isang bagay ng walang hanggang panunutsut. Bawat isa na dadaan sa kaniya ay mangangatog at iiling ang kaniyang ulo.
Jeremiah 25:6Kaya huwag kayong lumakad sa ibang diyos upang sambahin sila o yumukod sa kanila, at huwag ninyo silang udyukan sa pamamagitan ng gawa ng inyong mga kamay upang gawan nila kayo ng ikakasakit ninyo.'
Jeremiah 29:18At hahabulin ko sila ng espada, taggutom, at salot at gagawin silang isang kakila-kilabot sa paningin ng lahat ng kaharian sa mundo, isang katatakutan, isang bagay tungkol sa mga sumpa at panunutsot na mga salita, at isang kahihiyan sa lahat ng mga bansa kung saan ko sila ikinalat.