Jeremias 44:9
Nakalimutan na ba ninyo ang kasamaang ginawa ng inyong mga ninuno at ang kasamaang ginawa ng mga hari ng Juda at ng kanilang mga asawa? Nakalimutan na ba ninyo ang mga kasamaang inyong ginawa at ng inyong mga asawa sa lupain ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem?
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 9:7Alalahanin ninyo at huwag kalimutan kung paano ninyo ginalit si Yahweh na inyong Diyos sa ilang; mula sa araw na iniwan ninyo ang lupain ng Ehipto hanggang sa nakarating kayo sa lugar na ito, naging suwail kayo laban kay Yahweh.
Ezra 9:7Simula noong panahon ng aming mga ninuno hanggang ngayon kami ay nasa matinding pagkakasala. Sa aming mga kasamaan, kami, ang aming mga hari, at mga pari ay ipinasakamay mo sa mga hari ng mundong ito, sa espada, sa pagkabihag, at pagpagnanakaw at sa mga mukhang hiyang-hiya, tulad namin ngayon.
Jeremiah 7:17Hindi mo ba nakikita kung ano ang ginagawa nila sa lungsod ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem?
Jeremiah 44:21“Hindi ba naalala ni Yahweh ang insenso na inyong sinunog sa mga lungsod ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem—kayo at ang inyong mga ninuno, inyong mga hari at mga pinuno, at ang mga tao sa lupain? Sapagkat naaalala ito ni Yahweh; at pumasok ito sa kaniyang isipan.