Jeremias 45:1
Ito ang salita na sinabi ni propeta Jeremias kay Baruc na anak ni Nerias. Nangyari ito nang isinulat niya sa isang balumbon ang mga salitang ito sa pagsasalaysay ni Jeremias—ito ay sa ika-apat na taon ni Jehoiakim na anak ni Josias na hari ng Juda, at sinabi niya,
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Jeremiah 25:1Ito ang salitang dumating kay Jeremias tungkol sa lahat ng mga tao ng Juda. Dumating ito sa ikaapat na taon ni Jehoaikim na anak ni Josias, hari ng Juda. Iyon ang unang taon ni Nebucadnezar, na hari ng Babilonia.
Jeremiah 32:12Ibinigay ko ang selyadong kasulatang nakabalumbon kay Baruc na lalaking anak ni Nerias na anak naman ni Maaseias sa harapan ni Hanamel, ang lalaking anak ng aking tiyuhin, at ng mga saksing nakasulat sa selyadong kasulatang binalumbon, at sa harapan ng lahat ng taga-Juda na nakaupo sa patyo ng bantay.
Jeremiah 36:1Nangyari ito sa ika-apat na taon ni Jehoiakim na anak ni Josias na hari ng Juda, na dumating ang salitang ito kay Jeremias mula kay Yahweh, at sinabi niya,
Jeremiah 36:4At ipinatawag ni Jeremias si Baruc na anak ni Nerias at isinulat ni Baruc sa isang kasulatang balumbon, sa pagsasalaysay ni Jeremias, ang lahat ng mga salita ni Yahweh na sinabi sa kaniya.
Jeremiah 36:14Kaya ipinadala ng lahat ng mga opsiyal si Jehudi na anak ni Netanias na anak ni Selemias na anak ni Cusi kay Baruc. Sinabi ni Jehudi kay Baruc, “Kunin mo ang kasulatang balumbon na iyong binasa sa pakikinig ng mga tao at ikaw ay lumapit.” Kaya kinuha ni Baruc na anak ni Nerias ang kasulatang binalumbon at pumunta sa mga opisyal.
Jeremiah 36:32Kaya kumuha pa ng ibang balumbon si Jeremias at ibinigay ito kay Baruc na anak ng eskribang si Nerias. Isinulat iyon ni Baruc sa pagsasalaysay ni Jeremias sa lahat ng mga salitang nasa kasulatang balumbon na sinunog ni Jehoiakim na hari ng Juda. At saka, maraming ibang magkatulad na mga salita ang idinagdag sa balumbon na ito.