Jeremias 45:4
Ito ang dapat mong sabihin sa kaniya: 'Ito ang sinasabi ni Yahweh: Tingnan mo, kung ano ang aking itinayo, ako ngayon ang tumitibag nito. Kung ano ang aking itinanim, ako ngayon ang bumubunot nito. Ito ay totoo sa buong daigdig.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 80:8Nagdala ka ng puno ng ubas mula sa Egipto; pinalayas mo ang mga bansa at itinanim ito sa ibang lugar.
Isaiah 5:2Hinukay niya ito at inalis ang mga bato, at tinaniman ito ng pinakamasasarap na ubas. Nagtayo siya ng isang tore sa gitna nito, at nagtayo rin siya ng isang pigaan ng ubas. Umasa siyang mamumunga ito ng matatamis na ubas, pero namunga ito ng maaasim.
Jeremiah 1:10Hinihirang kita ngayon sa mga bansa at sa mga kaharian upang magbunot at magpabagsak, magsira at magwasak, magtayo at magtatag.
Jeremiah 18:7Sa isang sandali, maaari akong magpahayag ng isang bagay tungkol sa isang bansa o isang kaharian, na aking aalisin, gigibain, o wawasakin ito.
Lamentations 2:6Sinalakay niya ang tabernakulo tulad ng isang kubo sa hardin. Winasak niya ang mataimtim na lugar ng kapulungan. Ipinalimot ni Yahweh ang mataimtim na pagtitipon at Araw ng Pamamahinga sa Zion, sapagkat hinamak niya ang hari at pari sa pagngingitngit ng kaniyang galit.