Jeremias 46:10
Ang araw na iyon ang magiging araw ng paghihiganti para sa Panginoong Yahweh ng mga hukbo, at ipaghihiganti niya ang kaniyang sarili sa kaniyang mga kaaway. Lalamon at mabubusog ang espada. Iinumin nito ang kanilang dugo hanggang sa mapuno. Sapagkat magkakaroon ng alay sa Panginoong Yahweh ng mga hukbo sa hilagang lupain sa tabi ng Ilog Eufrates.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Kings 24:7Hindi na muling sumalakay ang hari ng Ehipto sa labas ng kaniyang lupain, dahil sinakop na ng hari ng Babilonia ang lahat ng mga lupain na hawak ng hari ng Ehipto, mula sa batis ng Ehipto hanggang sa Ilog Eufrates.
Isaiah 13:6Umungol kayo, dahil papalapit na ang araw ni Yahweh; darating ito nang may pagwasak mula sa Makapangyarihan.
Isaiah 34:6Ang espada ni Yahweh ay puno ng dugo at nababalutan ng taba, may tumutulong dugo ng mga batang tupa at mga kambing, nababalutan ng taba ang mga lamang-loob ng mga lalaking tupa. Dahil si Yahweh ay may isang handog sa Bosra at may isang malaking katayan sa lupain ng Edom.
Isaiah 63:4Dahil inaasam-asam ko ang araw ng paghihiganti, at dumating na ang taon para sa aking pagtubos.
Jeremiah 46:6ang matulin ay hindi makatatakbo palayo, at ang mga kawal ay hindi makatatakas. Natitisod sila sa hilaga at bumabagsak sa tabi ng Ilog Eufrates.
Jeremiah 51:6Lumayo kayo sa kalagitnaan ng Babilonia, hayaang iligtas ng bawat tao ang kaniyang sarili. Huwag kayong malilipol sa kaniyang labis na malaking kasalanan. Sapagkat ito na ang panahon ng paghihiganti ni Yahweh. Pababayaran niya ang lahat ng ito sa kaniya.