Jeremias 46:12
Nabalitaan ng mga bansa ang iyong kahihiyan. Napuno ng iyong mga pagtangis ang lupa, sapagkat natitisod ang kawal laban sa kawal, pareho silang bumabagsak.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 10:4Walang matitira, gagapang ka kasama ng mga bihag, o babagsak kasama ng mga napaslang. Sa lahat ng mga ito, hindi pa humuhupa ang galit ni Yahweh, pero nakataas pa rin ang kaniyang kamay para humampas.
Isaiah 19:2“Paglalabanin ko ang mga taga-Ehipto laban sa kapwa taga-Ehipto: lalabanan ng isang tao ang kaniyang kapatid, at ang isang tao laban sa kaniyang kapwa; ang lungsod ay lalaban sa lungsod, at kaharian laban sa kaharian.
Jeremiah 46:6ang matulin ay hindi makatatakbo palayo, at ang mga kawal ay hindi makatatakas. Natitisod sila sa hilaga at bumabagsak sa tabi ng Ilog Eufrates.
Jeremiah 49:21Sa tunog ng kanilang pagbagsak, mayayanig ang mundo. Maririnig sa dagat ng Tambo ang tunog ng mga sigaw ng pagkabalisa.
Ezekiel 32:9Kaya sisindakin ko ang puso ng maraming tao sa mga lupain na hindi mo nakikilala, kapag dadalhin ko ang iyong pagkabagsak sa mga bansa.
Nahum 3:8Ninive, ikaw ba ay mas mabuti kaysa sa Tebes, na itinayo sa Ilog Nilo, na napalibutan ng tubig, na ang kaniyang depensa ay ang karagatan, na ang kaniyang pader ay ang dagat mismo?