Jeremias 46:28
Ikaw, lingkod kong Jacob, huwag kang matakot—Ito ang pahayag ni Yahweh—sapagkat kasama mo ako, kaya magdadala ako ng ganap na pagkawasak laban sa lahat ng bansa kung saan ko kayo ikinalat. Ngunit hindi kita lubusang wawasakin. Gayon pa man, makatarungan kitang didisiplinahin at tiyak na hindi kita iiwang hindi napaparusahan.'”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Joshua 1:5Walang sinumang makakatayo sa harap ninyo sa lahat ng araw ng inyong buhay. Sasamahan kita tulad ng pagsama ko kay Moises. Hindi kita pababayaan o iiwan kita.
Psalms 46:7Si Yahweh, ang Diyos ng mga hukbo ay kasama natin; ang Diyos ni Jacob na kublihan natin. Selah
Isaiah 8:9Madudurog kayong mga tao ng pira-piraso. Makinig, kayong malalayong bansa: maghanda kayo para sa digmaan at kayo ay dudurugin ng pira-piraso. Ihanda ang inyong sarili at kayo ay dudurugin.
Isaiah 27:9Sa ganitong paraan, ang matinding kasalanan ni Jacob ay mapapawalang sala, dahil ito ang magiging buong bunga sa pagtalikod niya sa kaniyang kasalanan: Gagawin niyang tisa at ginawang pulbos ang lahat ng altar na bato at walang mga poste ni Asera o mga altar ng insenso ang mananatiling nakatayo.
Isaiah 43:2Kapag ikaw ay dumaraan sa mga tubigan, ako ay kasama mo; at sa mga ilog, hindi ka malulunod. Kapag ikaw ay lumalakad sa apoy, hindi ka masusunog, ni sa apoy ay hindi ka masasaktan.
Jeremiah 1:19Kakalabanin ka nila ngunit hindi ka nila matatalo sapagkat sasamahan kita upang iligtas ka. Ito ang pahayag ni Yahweh.”