Jeremias 46:5
Ano ang aking nakikita rito? Napuno sila ng matinding takot at tumatakbo palayo, sapagkat natalo ang kanilang mga kawal. Tumatakbo sila upang makaligtas at hindi lumilingon. Ang matinding takot ay nasa lahat ng dako—ito ang pahayag ni Yahweh—
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 19:17Nang nailabas na sila, sinabi ng isa sa mga lalaki, “Tumakbo na kayo para sa inyong mga buhay! Huwag kayong lilingon o manatili saanman sa kapatagan. Magsitakas kayo patungo sa mga bundok para hindi kayo malipol.
Isaiah 19:16Sa panahon na iyon, ang mga taga-Ehipto ay magiging tulad ng mga babae. Manginginig sila at matatakot dahil sa nakataas na kamay ni Yahweh ng mga hukbo na kaniyang itinataas sa kanila.
Jeremiah 20:3Nangyari sa sumunod na araw, pinalaya ni Pashur si Jeremias mula sa mga pangawan. At sinabi ni Jeremias sa kaniya, “Hindi ka pinangalanan ni Yahweh na Pashur, ngunit ikaw ay si Magot Missabib.
Jeremiah 46:15Bakit tumakbo palayo ang inyong diyos na si Apis? Bakit hindi tumatayo ang inyong diyos na toro? Ibinagsak siya ni Yahweh.
Jeremiah 49:29Kukunin ng kaniyang hukbo ang kanilang mga tolda at ang kanilang mga kawan, ang kanilang mga tabing ng tolda at lahat ng kanilang mga kagamitan. Kukunin nila ang kanilang mga kamelyo mula sa mga tao ng Kedar at isisigaw sa kanila, 'Katakot-takot ang nasa lahat ng dako!”
Nahum 2:8Ang Ninive ay parang isang lawa ng tubig na tumatagas, kasama nitong tumatakas ang kaniyang mga tao na parang rumaragasang tubig. Sumisigaw ang iba, “Tumigil kayo, tumigil kayo,” ngunit walang lumilingon.