Jeremias 47:7
Paano ka mananahimik, sapagkat inutusan ka ni Yahweh. Tinawag ka niya upang salakayin ang Ashkelon at laban sa mga kapatagan sa tabi ng dagat.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 15:3Ngayo'y humayo at lusubin ang Amalek at ganap na lipulin ang lahat ng meron sila. Huwag silang paligtasin subalit patayin ang kapwa lalaki at babae, bata at sanggol, lalaking baka at tupa, kamelyo at asno.”
Isaiah 13:3Inutusan ko ang aking mga banal, oo, tinawag ko ang malalakas kong mandirigma para isagawa ang aking galit, pati ang malalakas kong mandirigma ay matutuwa.
Isaiah 45:1Ito ang sinasabi ni Yahweh, sa kaniyang hinirang, kay Ciro na ang kanang kamay ay aking hawak, para lupigin ang mga bansa sa harap niya, para tanggalan ng sandata ang mga hari, at para buksan ang mga pintuan sa kaniyang harapan, kaya ang mga tarangkahan ay mananatiling nakabukas:
Ezekiel 14:17O kung magpapadala man ako ng espada laban sa lupain na iyon at sabihin, 'Espada, pumunta ka sa mga lupain at patayin mo ang tao at hayop mula rito'—
Ezekiel 21:14Ngayon ikaw, anak ng tao, magpropesiya ka at pagsuntukin mo ang iyong dalawang kamay, sapagkat ang espada ay lulusob kahit tatlong beses pa! Isang espada para sa mga papatayin! Ito ang espada na papatay sa marami, tatagos sa kanila saanmang dako!
Amos 3:6Tutunog ba ang trumpeta sa lungsod at hindi manginginig sa takot ang mga tao? Darating ba ang sakuna sa isang lungsod kung hindi si Yahweh ang nagpadala nito?