Jeremias 48:2
Nawala na ang karangalan ng Moab. Ang kanilang mga kaaway sa Hesbon ay may masamang balak laban sa kaniya. Sinabi nila, 'Halikayo at wasakin natin siya bilang isang bansa. Ang Madmena ay mawawala din— hahabulin kayo ng isang espada.'
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 21:26Ang Hesbon ay ang lungsod ni haring Sihon ng mga Amoreo, na siyang nakipaglaban sa dating hari ng Moab. Kinuha ni Sihon ang lahat ng kaniyang lupain mula sa kaniyang sinasakupan hanggang sa Ilog Arnon.
Esther 3:8Pagkatapos sinabi ni Haman kay Haring Assuero, “May isang lahing nagkalat at nakatira sa lahat ng lalawigan ng iyong kaharian. Ang kanilang mga batas ay iba mula sa ibang mga tao, at hindi nila sinusunod ang mga batas ng hari, kaya hindi nararapat para sa hari na hayaan silang manatili.
Isaiah 15:1Pahayag tungkol sa Moab. Tunay nga, sa loob ng isang gabi, nasalaula at nawasak ang Ar ng Moab; tunay nga, sa loob ng isang gabi, nasalaula at nawasak ang Kir ng Moab.
Isaiah 16:8Natuyo ang mga taniman sa Hesbon pati ang mga ubasan ng Sibma. Tinapakan ng mga namamahala sa mga bansa ang napiling mga ubusan na umabot sa Jazer at kumalat sa ilang. Malawak na kumalat ang mga sibol; napunta sila lagpas sa dagat.
Isaiah 25:10Dahil dito sa bundok na ito mamamalagi ang kamay ni Yahweh; at tatapakan ang Moab sa kaniyang lugar, kahit na ang dayami na yinapakan sa isang pataba na puno ng dumi.
Jeremiah 25:17Kaya kinuha ko ang saro mula sa kamay ni Yahweh, at pinainom ko ang lahat ng mga bansa kung saan ako isinugo ni Yaweh—