The Bible Software
bible.software › Jeremias › Jeremias 48 › Jeremias 48:33

Jeremias 48:33

Kaya ang pagdiriwang at pagsasaya ay kinuha na mula sa mga bungang-kahoy sa lupain ng Moab. Pinatigil ko na ang alak mula sa mga pigaan ng ubas. Hindi na sila yayapak ng may sigaw ng kasiyahan. Anumang sigaw ay hindi na magiging sigaw ng kasiyahan.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

And joy and gladness is taken from the plentiful field, and from the land of Moab; and I have caused wine to fail from the winepresses: none shall tread with shouting; their shouting shall be no shouting.

In Context

32Tatangis ako sa inyo ng higit sa pagtatangis ko sa Jazer, sa iyo na puno ng ubas ng Sibma! Ang iyong mga sanga ay lumampas sa Dagat na Asin at umabot hanggang sa Jazer. Nilusob ng mga tagawasak ang iyong mga bunga sa tag-araw at ang iyong alak.

34Mula sa mga sigaw sa Hesbon hanggang sa Eleale, ang kanilang tunog ay narinig sa Jajaz, mula sa Zoar hanggang sa Horonaim at Eglat-selisiya, sapagkat kahit ang mga katubigan sa Nimrim ay natuyo na.

Read all of Jeremias 48

Cross References

Isaiah 5:10Dahil ang sampung ektaryang ubasan ay makapagbibigay lamang ng isang banyerang alak, at ang isang homer ng binhi ay makapagbibigay lamang ng isang epa.

Isaiah 9:3Pinarami mo ang bansa, dinagdagan mo ang kanilang kagalakan; nagagalak sila sa iyo gaya nang sa anihan, gaya ng mga kalalakihan kapag pinaghahatian na nila ang nasamsam sa labanan.

Isaiah 24:7Natuyo ang bagong alak, nabulok ang ubasan, lahat ng masasayang puso ay naghihinagpis.

Jeremiah 25:9tingnan ninyo, magpapadala ako ng isang utos na tipunin ang lahat ng mga tao sa hilaga—ito ang pahayag ni Yahweh—kasama ni Nebucadnezar na aking lingkod, ang hari ng Babilonia, at dalhin sila laban sa lupaing ito at ang bawat naninirahan dito, at laban sa lahat ng mga bansa na nakapalibot sa inyo. Sapagkat inihiwalay ko sila para sa pagkasira. Gagawin ko silang isang katatakutan, sila ang paksa ng mga panunutsot, at walang hanggang pagkawasak.

Joel 1:12Nalanta ang mga puno ng ubas at natuyo ang mga puno ng igos, ang mga puno ng granada, gayon din ang mga puno ng palma at mga puno ng mansanas— ang lahat ng puno ng bukirin ay nalanta. Sapagkat nalanta ang kagalakan mula sa mga kaapu-apuhan ng tao.

Haggai 2:16sa tuwing pupunta ang sinuman sa kamalig para kumuha ng dalawampung sukat ng butil, sampu lamang ang mayroon, at sa tuwing pupunta ang sinuman sa pagawaan ng alak upang kumuha ng limampung sukat ng alak, dalawampu lamang ang mayroon.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Jeremias 48:33

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Jeremias 48:32Jeremias 48Jeremias 48:34 →