Jeremias 48:41
Ang Keriot ay nabihag at ang kaniyang mga matibay na tanggulan ay nasakop. Sapagkat sa araw na iyan, ang puso ng mga kawal ng Moab ay magiging katulad ng mga puso ng mga babaeng nanganganak.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 21:3Kaya napupuno ng kirot ang aking laman; kirot na gaya ng kirot ng babaeng nanganganak ang nanaig sa akin; napaluhod ako sa aking narinig; nabagabag ako sa aking nakita.
Jeremiah 4:31Kaya narinig ko ang ingay ng pagdadalamhati, pagdaing gaya ng pagsilang sa panganay na anak, ang ingay ng anak na babae ng Zion. Hinihingal siya. Iniunat niya ang kaniyang mga kamay. 'Kaawa-awa ako! Nanghihina ako dahil sa mga mamamatay-taong ito.'”
Jeremiah 30:6Magtanong at tingnan, kung magsisilang ng isang sanggol ang isang lalaki. Bakit nakikita ko ang bawat batang lalaki na nasa kanilang puson ang kanilang mga kamay? Gaya ng isang babaeng nagsisilang ng isang sanggol, bakit namumutla ang lahat ng kanilang mga mukha?
Jeremiah 49:24Naging napakahina ng Damasco. Tumatalikod ito upang tumakas; binalot ito ng matinding takot. Binalot ito ng pagkabalisa at sakit, katulad ng sakit ng babaing nanganganak.
Jeremiah 51:30Tumigil na sa pakikipagdigma ang mga kawal ng Babilonia, nanatili sila sa kanilang mga tanggulan. Ang kanilang lakas ay nanghina na, sila ay naging mga babae na—ang kaniyang mga tahanan ay tinutupok na ng apoy, at ang mga rehas ng kaniyang tarangkahan ay nasira na.
1 Thessalonians 5:3Kapag sinabi nilang “Kapayapaan at kaligtasan,” at biglang darating sa kanila ang pagkawasak. Ito ay magiging katulad ng sakit sa panganganak ng isang babaeng buntis. Hindi sila makakatakas dito sa anumang paraan.