Jeremias 48:8
Sapagkat darating ang mga tagawasak sa bawat lungsod, walang lungsod ang makakatakas. Kaya ang lambak ay mamamatay at ang kapatagan ay mawawasak, gaya ng sinabi ni Yahweh.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Joshua 13:9mula sa Aroer, na nasa gilid ng bangin sa ilog Arnon (kabilang ang lungsod na nasa gitna ng bangin), sa lahat ng kapatagan ng Medeba hanggang sa Dibon;
Joshua 13:21lahat ng mga lungsod ng kapatagan, at ang buong kaharian ni Sihon na hari ng mga Amoreo, na naghari sa Hesbon, na magkasamang tinalo ni Moises kasama ang mga pinuno ng Midian, Evi, Rekem, Zur, Hur at Reba, ang mga prinsipe ni Sihon, na nanirahan sa lupain.
Jeremiah 15:8Gagawin kong mas marami ang bilang ng kanilang mga balo kaysa sa mga buhangin sa dalampasigan. Sa katanghalian, ipadadala ko ang mga maninira laban sa mga ina ng mga batang lalaki. Hahayaan kong dumating sa kanila ng biglaan ang pagkasindak at pagkatakot.
Jeremiah 48:18Bumaba kayo mula sa inyong mga dakilang lugar at umupo kayo sa tuyong lupa, kayong mga babaeng anak na naninirahan sa Dibon. Sapagkat sinasalakay ka ng wawasak sa Moab, siya na sisira sa iyong mga matibay na tanggulan.
Jeremiah 51:56Sapagkat dumating ang mga wawasak sa kaniya, wawasak sa Babilonia, at nahuli na ang kaniyang mga mandirigma. Ang kanilang mga pana ay nabali sapagkat si Yahweh ay ang Diyos ng paghihiganti, tiyak na gagawin niya ang pagbabayad na ito.