Jeremias 49:36
Sapagkat dadalhin ko ang apat na hangin mula sa apat na sulok ng kalangitan at ikakalat ko ang mga tao ng Elam sa lahat ng hangin na iyon. Walang bansang hindi pupuntahan ng mga taong nakakalat mula sa Elam.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 28:25Si Yahweh ang magdudulot na pabagsakin kayo sa harapan ng inyong mga kaaway; lalabas kayo sa isang daanan laban sa kanila, at tatakas sa pitong mga daanan sa harapan nila. Pagpapasa-pasahan kayo doon at saanman sa lahat ng kaharian ng mundo.
Psalms 147:2Nawasak ang Jerusalem, pero tinutulungan tayo ni Yahweh na itayo ulit ito.
Isaiah 16:3Magbigay ng tagubilin, gawin ang makatwiran; magbigay ng ilang silungan gaya ng gabi sa kalagitnaan ng araw; itago ang mga takas; huwag pagtaksilan ang mga takas.
Isaiah 56:8ito ang pahayag ng Panginoon na si Yahweh, na siyang nagtitipon sa mga taong pinabayaan sa Israel— titipunin ko pa rin ang iba para idagdag sa kanila.”
Jeremiah 49:32Sapagkat ang kanilang mga kamelyo ay magiging nakaw, at ang kasaganaan ng kanilang ari-arian ay magiging nakaw sa digmaan. Pagkatapos ay ikakalat ko sa bawat hangin ang mga pumutol ng kanilang mga buhok at magdadala ako sa kanila ng kapahamakan mula sa bawat panig—ito ang pahayag ni Yahweh.
Ezekiel 5:12Mamamatay sa salot ang ikatlong bahagi ninyo, at mauubos sila ng kagutuman sa inyong kalagitnaan. Ang ikatlong bahagi sa inyo ay mamamatay sa pamamagitan ng espada sa paligid ninyo. At ikakalat ko ang ikatlong bahagi sa inyo sa bawat dako, at huhugot ng espada upang habulin din sila.