Jeremias 5:1
“Magmadali ka sa mga lansangan ng Jerusalem, maghanap din sa mga pamilihan ng kaniyang lungsod. Tingnan at pag-isipan ang tungkol dito. Kung makakatagpo ka ng tao o sinumang kumikilos nang makatarungan at sinusubukang kumilos nang tapat, patatawarin ko ang Jerusalem.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
2Kahit na sinasabi nila, 'Sa pamamagitan ng buhay ni Yahweh,' sumusumpa sila ng hindi totoo.”
Cross References
Genesis 18:23Pagtapos lumapit si Abraham at sinabi, “Lilipulin mo ba ang matuwid kasama ang makasalanan?
1 Kings 19:10Sumagot si Elias, “Naging napakamasigasig ako para sa iyo Yahweh, Diyos ng mga hukbo, para sa bayan ng Israel na tinalikuran ang iyong tipan, sinira ang iyong mga altar, at pinatay ang iyong mga propeta sa pamamagitan ng espada. Ngayon ako, ako nalang, ang natira at gusto nila akong patayin.”
Psalms 12:1Tulong, Yahweh, dahil ang mga maka-diyos ay naglaho; ang mga matatapat ay nawala.
Psalms 14:3Ang lahat ay tumalikod; ang lahat ay naging marumi; walang sinuman ang gumagawa ng mabuti, wala, kahit isa.
Psalms 94:16Sino ang babangon para ipagtanggol ako mula sa mga gumagawa ng masama? Sino ang tatayo para sa akin laban sa mga masasama?
Proverbs 8:3Sa tabi ng mga pasukan sa lungsod, malapit sa tarangkahan ng mga lungsod, siya ay nananawagan.