Jeremias 5:12
At ikinaila nila ako. Sinabi nila, 'Hindi siya totoo. Hindi darating sa atin ang kasamaan, ni hindi tayo makakakita ng espada o taggutom.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
11Sapagkat labis akong pinagtaksilan ng mga sambahayan ng Israel at Juda. Ito ang pahayag ni Yahweh.
Cross References
1 Samuel 6:9Pagkatapos masdan ninyo; kung pupunta ito sa daan patungo sa sarili nitong lupain sa Beth-semes, kung gayon si Yahweh ang nagpatupad nitong malaking sakuna. Ngunit kung hindi, saka natin malalaman na hindi ang kanyang kamay ang nagpahirap sa atin; sa halip, malalaman nating nagkataon lang na nangyari ito sa atin.”
Psalms 10:6Sinasabi niya sa kaniyang puso, “Hindi ako mabibigo; hindi ako makahaharap ng pagkatalo sa lahat ng salinlahi.”
Isaiah 28:14Kaya makinig sa salita ni Yahweh, kayo na nangungutya, na namamahala sa bayang ito sa Jerusalem.
Jeremiah 2:6Hindi nila sinabi, 'Nasaan si Yahweh, ang nagpalaya sa atin mula sa lupain ng Egipto? Nasaan si Yahweh, ang nanguna sa atin sa ilang sa lupain ng Araba, sa may tuyong hukay at madilim na lupain, ang lupaing hindi nilalakaran at walang sinuman ang naninirahan?'
Jeremiah 5:31Nagpahayag ang mga propeta nang may panlilinlang at namuno ang mga pari gamit ang kanilang sariling kapangyarihan. Inibig ng aking mga tao ang mga pamamaraang ito, ngunit ano ang mangyayari sa huli?
Jeremiah 14:13At sinabi ko, “O, Panginoong Yahweh! Tingnan mo! Sinasabi ng mga propeta sa mga tao, 'Hindi kayo makakakita ng espada, walang taggutom para sa inyo, sapagkat bibigyan ko kayo ng tunay na katiwasayan sa lugar na ito.”'