Jeremias 5:17
Kaya mauubos ang inyong ani, gayon din ang inyong mga anak at ang inyong pagkain. Kakainin nila ang inyong mga kawan at baka, kakainin nila ang mga bunga mula sa mga puno ng inyong ubas at mga puno ng igos. Pababagsakin nila sa pamamagitan ng espada ang inyong mga matitibay na lungsod na inyong pinagkakatiwalaan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
16Ang lalagyan nito ng palaso ay tulad ng isang bukas na libingan. Lahat sila ay mga kawal.
Cross References
Deuteronomy 28:30Ipagkakasundo kayo sa isang babae, pero kukunin siya ng ibang lalaki at pipilitin siyang sumiping sa kaniya. Magtatayo kayo ng isang bahay pero hindi maninirahan doon; magtatanim kayo ng isang ubasan pero hindi matatamasa ang bunga nito.
Judges 6:3Nangyari na kapag ang mga Israelita ay nagtanim ng kanilang mga pananim, ang mga Midianita at ang mga Amalekita at ang mga taong mula sa silangan ay sasalakay sa mga Israelita.
Isaiah 62:9Dahil ang mga umaani ng butil ang kakain nito at magpupuri kay Yahweh, at ang mga pumipitas ng mga ubas ay iinom ng alak sa mga patyo ng aking banal na santuwaryo.”
Jeremiah 1:15Sapagkat tinatawagan ko ang lahat ng tribo sa mga hilagang kaharian, pahayag ni Yahweh. Darating sila at ilalagay nila ang kanilang trono sa pasukan sa mga tarangkahan ng Jerusalem, laban sa lahat ng pader na nakapaligid dito, at laban sa lahat ng mga lungsod ng Juda.
Jeremiah 4:26Tumingin ako. Masdan, ang mga halamanan ay naging isang ilang at ang lahat ng mga lungsod ay pinabagsak sa harapan ni Yahweh, sa harap ng kaniyang matinding poot.”
Jeremiah 50:7Nilapa sila ng mga nakatagpo sa kanila. Sinabi ng kanilang mga kaaway, “Wala kaming kasalanan dahil nagkasala sila kay Yahweh, ang tunay nilang tahanan, si Yahweh ang pag-asa ng kanilang mga ninuno.'