Jeremias 5:9
Kaya hindi ko ba sila dapat parusahan at hindi ko ba dapat ipaghiganti ang aking sarili sa bansang gaya nito? Ito ang pahayag ni Yahweh.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 26:25Magdadala ako ng espada sa inyo na gagawa ng paghihiganti dahil sa pagsuway sa aking mga utos. Maiipon kayo sa loob ng inyong mga siyudad at magpapadala ako ng mga sakit sa inyo doon at matatalo kayo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng inyong kaaway.
Deuteronomy 32:43Magdiwang, kayong mga bansa, kasama ng mga tao ng Diyos, dahil ipaghihiganti niya ang dugo ng kaniyang mga lingkod; Maghihiganti siya sa kaniyang mga kaaway, at gagawa siya ng kabayaran ng kasalanan para sa kaniyang lupain, para sa kaniyang mga tao.
Isaiah 1:24Kaya, ito ang pahayag ng Diyos, si Yahweh ng mga hukbo, ang Magiting ng Israel: “Kaawa-awa sila! Maghihiganti ako laban sa mga kaaway ko, at ipaghihiganti ko ang aking sarili laban sa mga kalaban ko;
Jeremiah 6:6Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo: Putulin ang kaniyang mga puno at gumawa ng mga paglusob laban sa Jerusalem. Ito ang lungsod na dapat lusubin dahil puno ito ng pang-aapi.
Jeremiah 9:8Matatalas na palaso ang kanilang mga dila at nagsasalita sila ng mga bagay na kasinungalingan. Sa pamamagitan ng kanilang mga bibig, naghahayag sila ng kapayapaan sa kanilang kapwa, ngunit sa kanilang mga puso inaabangan nila sila.
Jeremiah 23:2Kaya si Yahweh, ang Diyos ng Israel, sinasabi ito tungkol sa mga pastol na nagpapastol sa kaniyang mga tao, “Inyong pinapangalat ang aking kawan at itinaboy ninyo sila palayo. Hindi ninyo sila inalagaan kailanman. Alamin ninyo ito! Pagbabayarin ko kayo sa mga kasamaang ginagawa ninyo—Ito ang pahayag ni Yahweh.