Jeremias 51:2
Magpapadala ako ng mga dayuhan sa Babilonia. Ikakalat nila ito at wawasaking ganap ang kaniyang lupain, sapagkat darating sila laban sa kaniya mula sa lahat ng dako sa araw ng malaking sakuna.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 41:16Tatahipan mo at tatangayin sila ng hangin; ikakalat sila ng hangin. Ikaw ay magagalak kay Yahweh, ikaw ay magagalak sa Banal ng Israel.
Jeremiah 15:7Kaya, tatahipan ko sila sa mga tarangkahan ng lupain sa pamamagitan ng isang pantuhog ng mga dayami. Gagawin ko silang ulila. Wawasakin ko ang aking mga tao yamang hindi sila tumatalikod sa kanilang mga gawain.
Jeremiah 50:29“Ipatawag ang mga mamamana laban sa Babilonia, ang lahat ng mga bumabaluktot ng kanilang mga pana. Magkampo kayo laban sa kaniya, at huwag hayaang may makatakas. Gantihan ninyo siya sa kaniyang mga nagawa. Gawin din ninyo sa kaniya ayon sa sukat na kaniyang ginamit. Dahil kinalaban niya si Yahweh, ang Banal ng Israel.
Jeremiah 51:27“Magtaas kayo ng isang bandila sa mundo. Hipan ninyo ang trumpeta sa lahat ng mga bansa. Italaga ninyo ang mga bansa upang lusubin siya. Ipamalita ninyo sa mga kaharian ng Ararat, Mini at Askenaz ang tungkol sa kaniya, magtalaga kayo ng isang pinuno ng mga kawal upang salakayin siya, magdala kayo ng mga kabayo tulad ng napakaraming balang.
Matthew 3:12Hawak niya ang kaniyang kalaykay upang linising maigi ang kaniyang giikan at tipunin ang kaniyang trigo sa bahay-imbakan. Ngunit susunugin niya ang mga ipa sa pamamagitan ng apoy na kailanman ay hindi maapula.”