Jeremias 52:18
Ang mga palayok, mga pala, mga gunting, mga mangkok, at lahat ng mga kagamitang tanso na ginagamit ng mga pari sa paglilingkod sa templo ay kinuhang lahat ng mga Caldea.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 25:29Dapat kayong gumawa ng mga pinggan, mga kutsara, mga pitsel, at mga mangkok para gamitin sa pagbuhos ng inuming mga handog. Dapat gawin ninyo sila ng purong ginto.
Exodus 27:3Dapat kang gumawa ng kasangkapan para sa altar, mga palayok para sa abo at gayundin ang mga pala, mga palanggana, mga tinidor para sa karne at mga lalagyan ng apoy. Dapat mong gawin ang lahat ng mga kagamitan mula sa tanso.
Exodus 37:23Gumawa si Bezalel ng ilawan at pitong mga ilawan nito, mga panipit nito at kanilang mga bandeha ng purong ginto.
Numbers 4:7Dapat silang maglatag ng isang asul na tela sa mesa ng tinapay ng presensya. Sa ibabaw nito, dapat nilang ilagay ang mga pinggan, mga kutsara, mga mangkok, at mga banga para sa pagbubuhos. Dapat palaging nasa mesa ang tinapay.
Numbers 7:13Ang kaniyang handog ay isang pilak na pinggan na tumitimbang ng 130 siklo at isang mangkok na pilak na tumitimbang ng pitumpung siklo, ayon sa pamantayang timbang ng santuwaryong siklo. Kapwa puno ng pinong harina na hinaluan ng langis para sa handog na butil ang mga bagay na ito.
Numbers 7:26Nagbigay din siya ng isang gintong pinggan na tumitimbang ng sampung siklo, na puno ng insenso.