Jeremias 52:31
Nangyari na sa ika-tatlumpu't pitong taon ng pagpapatapon kay Jehoiakin, na hari ng Juda, sa ikalabindalawang buwan, sa ikadalawampu't limang araw ng buwan, na pinalaya ni Evil-merodac na hari ng Babilonia si haring Jehoiakin mula sa kulungan. Nangyari ito sa taon nang simulang maghari si Evil-merodac.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 40:20Dumating ang panahon sa ikatlong araw ay ang kaarawan ni Paraon. Gumawa siya ng salu-salo para sa lahat ng kanyang mga lingkod. Siya ay nagbigay ng natatanging pansin sa punong tagahawak ng saro at sa punong panadero, na mas higit sa lahat ng iba niyang mga lingkod.
Job 22:29Binababa ng Diyos ang mga mapagmataas, nililigtas niya ang mga nakababa ang mga mata.
Psalms 27:6Pagkatapos ay itataas ang aking ulo nang mas angat kaysa aking mga kaaway na nasa paligid ko, at ako ay maghahain ng mga handog ng kagalakan sa kanyang tolda! Aawit ako at gagawa ng mga awitin kay Yahweh!