Jeremias 52:8
Ngunit hinabol ng mga Caldean ang hari at inabot si Zedekias sa kapatagan ng Ilog Jordan na malapit sa Jerico. Ang lahat ng kaniyang hukbo ay nagkalat palayo sa kaniya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Jeremiah 21:7Pagkatapos nito— ito ang pahayag ni Yahweh—si Zedekias na hari ng Juda, ang kaniyang mga lingkod, ang mga tao, at ang sinumang natira sa lungsod na ito pagkatapos ng salot, ang espada at ang kagutuman—ipapasakamay ko silang lahat kay Nebucadnezar na hari ng Babilonia, na kanilang mga kaaway at sa mga naghahangad ng kanilang buhay. At papatayin niya sila gamit ang talim ng espada. Hindi niya sila kaaawaan, ililigtas, o kahahabagan.'
Jeremiah 34:21Kaya ibibigay ko si Zedekias na hari ng Juda at ang kaniyang mga pinuno sa kamay ng kanilang mga kaaway at sa mga naghahangad ng kanilang buhay at sa kamay ng hukbo ng hari ng Babilonia na tumindig laban sa inyo.
Jeremiah 38:23Sapagkat ang lahat ng iyong mga asawa at mga anak ay dadalhin patungo sa mga Caldeo, at ikaw mismo ay hindi makakatakas mula sa kanilang mga kamay. Mabibihag ka sa pamamagitan ng kamay ng hari ng Babilonia, at masusunog ang lungsod na ito.”
Lamentations 4:19Mas matulin pa sa mga agilang nasa alapaap ang aming mga manunugis. Hinahabol nila kami sa mga kabundukan at nag-aabang sila sa amin sa ilang.
Ezekiel 17:20Ilalatag ko ang aking lambat sa kaniya at mahuhuli siya sa aking lambat. Pagkatapos ay dadalhin ko siya sa Babilonia at hahatulan ko siya doon dahil ang pagtataksil na ginawa niya nang ipagkanulo niya ako!
Amos 9:1Nakita ko ang Panginoon na nakatayo sa tabi ng altar, at sinabi niya, “Hampasin mo ang mga ibabaw ng mga haligi upang mayanig ang mga pundasyon. Durugin ng pira-piraso ang mga ito sa kanilang mga ulo, at papatayin ko sa espada ang mga nalabi sa kanila. Walang isa man sa kanila ang makakalayo at makakatakas.