Jeremias 6:10
Kanino ako magsasabi at magbibigay ng babala upang makinig sila? Tingnan ninyo! May takip ang kanilang mga tainga. Hindi nila kayang bigyan ng pansin! Tingnan ninyo! Dumating sa kanila ang salita ni Yahweh upang itama sila ngunit hindi nila ito nais.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 6:12Sinabi ni Moises kay Yahweh, “Kung ang mga Israelita ay hindi nakinig sa akin, bakit makikinig si Paraon sa akin, gayong hindi ako magaling sa pagsasalita?”
2 Chronicles 36:15Si Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno ay nagpadala ng mensahe sa kanila sa pamamagitan ng kaniyang mga mensahero nang paulit-ulit, dahil mayroon siyang habag sa kaniyang mga tao at sa lugar kung saan siya naninirahan.
Psalms 40:8Nalulugod akong gawin ang iyong kalooban, aking Diyos; ang iyong mga batas ay nasa aking puso.”
Psalms 119:24Ang mga utos mo sa tipan ang kasiyahan ko, at ito ang aking mga tagapayo. DALETH
Psalms 119:70Tumigas ang kanilang mga puso, pero nasisiyahan ako sa batas mo.
Psalms 119:174Nananabik ako para sa pagliligtas mo, Yahweh, at ang batas mo ang aking kasiyahan.