Jeremias 6:19
Dinggin mo, daigdig! Tingnan mo, maghahatid ako ng sakuna sa mga tao na ito, ang bunga ng kanilang mga pag-iisip. Hindi nila binigyan ng pansin ang aking salita o kautusan, sa halip itinakwil nila ito.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
18Kaya, mga bansa, makinig kayo! Tingnan ninyo, kayong mga saksi, kung ano ang mangyayari sa kanila.
Cross References
Deuteronomy 30:19Tinatawag ko ang langit at ang lupa para maging saksi laban sa inyo sa araw na ito, itinalaga ko sa inyo ang buhay at kamatayan, ang mga pagpapala at mga sumpa, kaya piliin ninyo ang buhay para kayo at ang inyong lahi ay mamuhay ng matagal.
1 Samuel 15:23Sapagkat ang paghihimagsik ay tulad ng kasalanan ng panghuhula, at pagkasutil at tulad ng kasamaan at katampalasan. Dahil tinanggihan mo ang salita ni Yahweh, tinanggihan ka rin niya mula sa pagiging hari.”
Proverbs 1:24Ako ay tumawag, at kayo ay tumangging makinig; inaabot ko sila ng aking kamay, ngunit walang nagbigay pansin.
Proverbs 15:26Kinasusuklaman ni Yahweh ang mga kaisipan ng mga masasamang tao, pero ang mga salita ng kagandahang-loob ay busilak.
Isaiah 1:2Makinig kayong mga langit, at pakinggan mo ako lupa; dahil nagsalita si Yahweh: “Nag-alaga at nag-aruga ako ng mga bata pero nagrebelde sila sa akin.
Isaiah 59:7Ang kanilang mga paa ay tumatakbo sa kasamaan, at sila ay tumatakbo para magbuhos ng dugo ng walang kasalanan. Ang kanilang mga kaisipan ay mga kaisipan ng kasalanan; karahasan at kasiraan ay kanilang mga daan.