Jeremias 7:16
At ikaw, Jeremias, huwag kang manalangin para sa mga taong ito at huwag kang tumangis ng panaghoy o manalangin para sa kanila at huwag kang makiusap sa akin sapagkat hindi kita pakikinggan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
17Hindi mo ba nakikita kung ano ang ginagawa nila sa lungsod ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem?
Cross References
Deuteronomy 9:14Hayaan mo akong mag-isa, para mawasak ko sila at burahin ang kanilang pangalan mula sa silong ng langit, at gagawin kitang isang bansang higit na malakas at higit na dakila kaysa sa kanila'.
Isaiah 1:15Kaya sa tuwing itinataas ninyo ang mga kamay ninyo, tinatago ko ang mga mata ko sa inyo; kahit na nag-alay kayo ng maraming panalangin, hindi ako makikinig; puno ng dugo ang mga kamay ninyo.
Jeremiah 11:14Kaya ikaw mismo Jeremias, hindi mo dapat ipanalangin ang mga taong ito. Hindi ka dapat tumangis o manalangin para sa kanila. Sapagkat hindi ako makikinig kapag tumawag sila sa akin sa kanilang kapahamakan.
Jeremiah 15:1At sinabi sa akin ni Yahweh, “Kahit na tumayo sa aking harapan si Moises o si Samuel, hindi pa rin ako maaawa sa mga taong ito. Paalisin sila sa aking harapan para makapunta sa malayo.
Ezekiel 14:14at kahit na ang tatlong kalalakihang ito—Noe, Daniel, at Job—ay nasa kalagitnaan ng lupain, maililigtas lamang nila ang sarili nilang buhay sa pamamagitan ng kanilang pagiging matuwid—Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.
1 John 5:16Kung sinuman ang nakakakita sa kanyang kapatid na gumagawa ng kasalanan na hindi humahantong sa kamatayan, kailangan niya manalangin at siya ay bibigyan ng Diyos ng buhay. Ang tinutukoy ko ay ang pagkakasala na hindi nagdadala sa kamatayan. Mayroong kasalanan na nagdadala sa kamatayan-hindi ko sinasabi na kailangan niyang ipanalangin ang tungkol doon.