Jeremias 7:24
Ngunit hindi sila nakinig o nagbigay pansin. Namuhay sila sa pamamagitan ng mga mapagmataas na balak ng kanilang mga masasamang puso, kaya sila ay paurong at hindi pasulong.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 32:7Pagkatapos nagsalita si Yahweh kay Moises, “Umalis ka agad, dahil sa iyong bayan, na nagdala palabas sa lupain ng Ehipto, naging masama ang kanilang mga sarili.
Nehemiah 9:16Pero sila at ang aming mga ninuno ay kumilos ng may kalapastanganan, at matigas ang ulo nila, at hindi nakinig sa iyong mga kautusan.
Psalms 81:11Pero hindi nakinig ang aking bayan sa aking mga salita; hindi ako sinunod ng Israel.
Psalms 106:7Ang aming ama ay hindi pinahalagahan ang iyong kamangha-manghang mga gawa sa Ehipto; hindi nila pinansin ang karamihan sa iyong mga ginawa sa katapatan sa tipan; sila ay rebelde sa dagat, sa Dagat ng Tambo.
Jeremiah 3:13Aminin mo ang iyong malaking kasalanan, sapagkat lumabag ka laban kay Yahweh na iyong Diyos, nakisama ka sa mga dayuhan sa ilalim ng bawat mayabong na punongkahoy! Sapagkat hindi mo pinakinggan ang aking tinig! Ito ang pahayag ni Yahweh.
Jeremiah 6:16Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Tumayo kayo sa panulukang-daan at tumingin, magtanong para sa mga lumang daan. 'Nasaan ang magandang daan na ito?' At pumunta kayo doon at maghanap ng lugar na mapagpapahingahan para sa inyong mga sarili. Ngunit sinabi ng mga tao, 'Hindi kami pupunta.'