Jeremias 7:29
Gupitin ninyo ang inyong buhok at mag-ahit kayo at itapon ninyo ang inyong buhok. Umawit kayo ng mga awiting panlibing sa mga bukas na lugar. Sapagkat itinakwil at tinalikuran ni Yahweh ang salinlahing ito dahil sa kaniyang matinding galit.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 32:5Kumilos sila ng masama laban sa kaniya. Sila ay hindi niya mga anak. Ito ay kanilang kahihiyan. Sila ay isang makasalanan at manlilinlang na salinlahi.
Job 1:20Napatayo si Job, pinunit ang kaniyang damit, inahit ang kaniyang buhok, nagpatirapa sa lupa at sinamba ang Diyos.”
Jeremiah 6:30Tatawagin silang mga itinakwil na pilak sapagkat itinakwil sila ni Yahweh.”
Jeremiah 9:17Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, “Unawain ninyo ito: Tawagin ninyo ang mga mang-aawit sa paglilibing at hayaan silang lumapit, magpadala kayo ng mga babaeng mahuhusay sa pagdadalamhati at hayaan silang lumapit.
Jeremiah 16:6kaya ang dakila at ang hamak ay mamamatay sa lupang ito. Sila ay hindi ililibing, at walang sinumang magluluksa para sa kanila. Isa man ay walang magsusugat sa kanilang sarili o mag-aahit ng kanilang mga ulo para sa kanila.
Jeremiah 48:37Sapagkat ang bawat ulo ay kinalbo na, lahat ng balbas ay inahit na. May mga hiwa sa bawat kamay at ang telang magaspang ay nasa kanilang mga baywang.