Jeremias 8:1
Ito ang pahayag ni Yahweh, “Sa panahong iyon, ilalabas nila mula sa mga libingan ang mga buto ng mga hari ng Juda at ng mga opisyal nito, ang mga buto ng mga pari at ng mga propeta at ang mga buto ng mga naninirahan sa Jerusalem.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Kings 13:2Ang lingkod ng Diyos ay sumigaw sa harapan ng altar sa pamamagitan ng salita ni Yahweh at sinabi, “Altar, o altar, sinasabi ni Yahweh, 'Tingnan, isang anak na lalaki ang isisilang sa pamilya ni David, sa pangalang Josias, at maghahandog siya sa iyo ng mga pari ng mga dambana na nagsusunog ng insenso sa iyo; susunugin nila ang mga buto ng kalalakihan sa iyo'.”
2 Kings 23:20Pinatay rin niya ang lahat ng mga pari ng mga dambana sa mga altar doon, at sinunog ang mga kalansay ng tao sa mga iyon. Pagkatapos bumalik siya sa Jerusalem.
Jeremiah 7:32Kaya tingnan ninyo, paparating na ang panahon na hindi na ito tatawagin na Tofet o nayon ng Ben Hinom. Magiging lambak ito ng Pagpatay, ililibing nila sa Tofet ang mga bangkay hanggang wala nang maiiwang silid doon. Ito ang pahayag ni Yahweh.
Ezekiel 6:5Ilalatag ko ang patay na mga katawan ng mga tao ng Israel sa harapan ng kanilang mga diyus-diyosan at ikakalat ang inyong mga buto sa palibot sa inyong mga altar.
Amos 2:1Ito ang sinasabi ni Yahweh: “Dahil sa tatlong kasalanan ng Moab, kahit na apat pa, hindi ko babawiin ang kaparusahan, dahil sinunog niya ang mga buto ng hari ng Edom hanggang sa naging apog.