Jeremias 8:11
Sapagkat ginagamot nila ang bali ng anak na babae ng aking mga tao na para bang wala itong halaga. Sinabi nila, “Kapayapaan, Kapayapaan” ngunit walang kapayapaan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Kings 22:13Ang mensahero na nagpunta para tawagin si Micaya ay sinabi sa kaniya, “Ngayon masdan mo, ang mga salita ng mga propeta ay naghahayag ng magagandang bagay sa hari sa iisang bibig. Hayaan ang iyong mga salita ay maging tulad ng isa sa kanila at magsabi ng magagandang bagay.”
Jeremiah 14:14Sinabi sa akin ni Yahweh, “Panlilinlang sa aking pangalan ang pahayag ng mga propeta. Hindi ko sila isinugo, ni binigyan ng anumang utos o kinausap sila. Ngunit ang mapanlinlang nilang mga pangitain, ang walang kabuluhan at ang mga mapanlinlang na hula ay nagmumula sa kanilang mga sariling puso, ito ang mga ipinahahayag nila sa inyo.”
Jeremiah 28:3Sa loob ng dalawang taon ibabalik ko sa lugar na ito ang lahat ng mga bagay na pag-aari ng tahanan ni Yahweh na kinuha ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia mula sa lugar na ito at dinala sa Babilonia.
Ezekiel 13:10Dahil dito at dahil pinangunahan nila ang aking mga tao upang mailigaw at sinabi, “Kapayapaan! kahit walan namang kapayapaan, nagpapatayo sila ng mga pader na kanilang pipintahan ng kalburong pampinta.'
Micah 2:11Kung may sinumang pupunta sa inyo sa espiritu ng kabulaanan at kasinungalingan at sasabihin, “magpapahayag ako sa inyo ng propesiya tungkol sa alak at matapang na inumin,” ituturing siyang isang propeta para sa mga taong ito.