The Bible Software
bible.software › Jeremias › Jeremias 8 › Jeremias 8:5

Jeremias 8:5

Bakit ang mga taong ito, ang Jerusalem, ay tumalikod ng walang hanggang pagtalikod? Nagpatuloy sila sa pagtataksil at tumangging magsisi.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

Why then is this people of Jerusalem slidden back by a perpetual backsliding? they hold fast deceit, they refuse to return.

In Context

4Kaya sabihin mo sa kanila, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh, May tao bang nadapa at hindi bumangon? May tao bang naligaw at hindi sinubukang bumalik?

6Binigyan ko sila ng pansin at pinakinggan ngunit hindi tama ang kanilang sinabi. Walang sinuman ang nagsisi sa kaniyang kasamaan, walang sinuman ang nagsabi, “Ano ang nagawa ko?” Pumupunta silang lahat kung saan nila nais, gaya ng kabayong pandigma na tumatakbo patungo sa labanan.

Read all of Jeremias 8

Cross References

Isaiah 1:20Pero kung magmamatigas kayo at magrerebelde, lalamunin kayo ng espada dahil ang bibig ni Yahweh ay nagsalita.”

Isaiah 44:20Para bang siyang kumakain ng abo; ang kaniyang nadayang puso ay niligaw siya. Hindi niya mailigtas ang kaniyang sarili, ni masabi, “Ang bagay na ito sa aking kanang kamay ay isang bulaang diyos.”

Jeremiah 3:5Magagalit ka ba magpakailanman? Palagi mo bang itatago ang iyong galit?' Tingnan mo! Ipinahayag mo na gagawa ka ng kasamaan at ginawa mo ito. Kaya ipagpatuloy mo itong gawin!”

Jeremiah 5:3Yahweh, hindi ba't tumitingin ka sa katapatan? Hinampas mo ang mga tao ngunit hindi sila nakaramdam ng sakit. Ganap mo silang nilipol, ngunit tumanggi pa rin silang tanggapin ang iyong pagdidisiplina. Ginawa nilang mas matigas kaysa sa bato ang kanilang mga mukha sapagkat tumanggi silang magsisi.

Jeremiah 6:17Nagtalaga ako para sa inyo ng mga bantay upang pakinggan ang trumpeta. Ngunit sinabi nila, 'Hindi kami makikinig.'

Jeremiah 7:24Ngunit hindi sila nakinig o nagbigay pansin. Namuhay sila sa pamamagitan ng mga mapagmataas na balak ng kanilang mga masasamang puso, kaya sila ay paurong at hindi pasulong.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Jeremias 8:5

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Jeremias 8:4Jeremias 8Jeremias 8:6 →