Jeremias 9:19
Sapagkat narinig sa Zion ang hiyaw ng panaghoy. 'Ganap kaming nawasak. Labis kaming nahiya, sapagkat nilisan namin ang lupain matapos nilang gibain ang aming mga tahanan.'
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 18:28Kaya mag-ingat kayo para hindi rin isuka kagaya ng mga taong nauna sa inyo..
Deuteronomy 28:29Kakapit kayo sa tanghali tulad ng pagkapit ng bulag sa kadiliman at hindi kayo sasagana sa inyong mga daan; lagi kayong aapihin at nanakawan, at wala ni isang magliligtas sa inyo.
Jeremiah 2:14Alipin ba ang Israel? Hindi ba siya isinilang sa tahanan? Kung gayon, bakit siya ninakawan?
Jeremiah 4:20Pagkagiba pagkatapos ng pagkagiba ang inihayag, sapagkat biglang nawasak ang lahat ng lupain. Bigla nilang winasak ang aking tabernakulo at ang aking tolda.
Lamentations 4:15“Magsilayo kayo! Marurumi,” isinisigaw ng mga propeta at mga paring ito. “Magsilayo kayo, magsilayo kayo! Huwag ninyo kaming hawakan!” Kaya nagpagala-gala sila sa ibang mga lupain, ngunit sinasabi maging ng mga Gentil, “Hindi na sila maaaring manirahan dito bilang mga dayuhan.”
Ezekiel 7:16Ngunit ang ilang mga nakaligtas ay tatakas mula sa kanila at pupunta sila sa mga bundok. Tulad ng mga kalapati sa mga lambak, mananaghoy silang lahat—bawat tao dahil sa kaniyang kasalanan.