Jeremias 9:7
Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, “Tingnan ninyo, susubukin at susuriin ko sila. Ano pa ang aking gagawin para sa anak ng babae ng aking mga tao?
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Chronicles 36:15Si Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno ay nagpadala ng mensahe sa kanila sa pamamagitan ng kaniyang mga mensahero nang paulit-ulit, dahil mayroon siyang habag sa kaniyang mga tao at sa lugar kung saan siya naninirahan.
Psalms 62:5Naghihintay ako nang tahimik para lamang sa Diyos; dahil nakatuon ang aking pag-asa sa kaniya.
Isaiah 1:25itutuon ko sa inyo ang kamay ko para alisin ang kalawang sa inyo at para tanggalin ang lahat ng karumihan ninyo.
Isaiah 59:3Dahil ang inyong mga kamay ay narumihan ng dugo at ang inyong mga daliri ng kasalanan. Ang inyong mga labi ay nagsasalita ng mga kasinungalingan at ang inyong dila ay nagsasalita ng may malisya.
Jeremiah 6:27“Ginawa kita, Jeremias, na susubok sa aking bayan tulad ng isang tao na sumusubok sa metal, kaya sisiyasatin mo at susubukin ang kanilang mga kaparaanan.
Jeremiah 31:20Hindi ba si Efraim ang mahal kong anak? Hindi ba siya ang minamahal at kinalulugdan kong anak? Sapagkat sa tuwing magsasalita ako laban sa kaniya, tinitiyak kong inaalala ko pa rin siya sa aking mapagmahal na isipan. Sa ganitong paraan nananabik ang puso ko sa kaniya. Tinitiyak kong kahahabagan ko siya. Ito ang pahayag ni Yahweh.”