Job 1:15
lumusob ang mga Sabano at tinangay sila. Pinatay nga nila ang ibang mga lingkod gamit ang espada; ako lang ang nag-iisang nakatakas para ibalita sa iyo.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 10:7Ang mga anak na lalaki ni Cus ay sina Seba, Havila, Sabta, Raama at Sabteca. Ang mga anak na lalaki ni Raama ay sina Sheba at Didan.
Genesis 25:3Si Jokshan ay naging ama nina Sheba at Dedan. Ang mga kaapu-apuhan ni Dedan ay ang lahi ng Assyria, ang lahi ng Letush at ang lahi ng Leum.
Job 1:16Habang siya ay nagsasalita pa, dumating ang isa pang lingkod at nagbalita. “Umulan ng apoy ng Diyos mula sa langit at tinupok ang mga tupa kasama na ang mga lingkod; at ako lang ang tanging nakaligtas para sabihin sa iyo.”
Job 6:19Ang mga karawan mula sa Tema ay pinagmamasdan sila, gayun din sa pangkat ng mga taga-Sheba na umaasa sa kanila.
Isaiah 45:14Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Ang yaman ng Ehipto, at pangangalakal ng Ethiopia sa mga Sabeo, mga taong matataas ang kalagayan, ay dadalhin sa iyo. Sila ay magiging inyo. Sila ay magsisisunod sa inyo, magsisidating na may mga tanikala. Sila ay magpapatirapa sa iyo, at sila ay makikiusap sa iyo na sinasabing, Tunay na ang Diyos ay nasa iyo, at walang iba liban sa kanya.
Joel 3:8Ipagbibili ko ang inyong mga anak sa pamamagitan ng mga kamay ng mga tao ng Juda. Ipagbibili sila sa mga Sabeo, isang malayong bansa sapagkat ito ang sinabi ni Yahweh.