Job 11:10
Kung siya ay dumadaan at ikinukulong ang sinuman, kung tinatawag ang sinuman sa hukuman, sa gayon sino ang makakapigil sa kaniya?
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
If he cut off, and shut up, or gather together, then who can hinder him?
In Context
9Ang kaniyang sukat ay mas mahaba pa kaysa daigdig, mas malawak pa kaysa dagat.
Cross References
Deuteronomy 32:30Paano ba hahabulin ng isa ang isang libo, at papaliparin ng dalawa ang sampung libo, maliban kung ipinagbili sila ng kanilang Bato, at isinuko sila ni Yahweh?
Job 9:4Ang Diyos ay marunong sa puso at makapangyarihan sa lakas; Sino ang nagmatigas laban sa kaniya ang nagtagumpay kailanman? —
Job 12:14Tingnan mo, siya ay nasisira, at hindi na ito maitatayong muli; kung ikinukulong niya ang isang tao, hindi na maaring palayain.
Job 38:8Sino ang nagsara ng dagat gamit ang pinto kapag bumubulwak ito, na parang lumabas sa sinapupunan -
Isaiah 14:27Dahil binalak ni Yahweh ng mga hukbo ito; sino ang makapipigil sa kaniya? Nakataas ang kaniyang kamay, at sino ang makabababa nito?
Daniel 4:35Itinuturing niyang walang halaga ang lahat ng mga naninirahan sa lupa, ginagawa niya sa hukbo ng langit at sa mga naninirahan sa lupa ang anumang naaayon sa kaniyang kagustuhan. Walang makakapigil o makakatutol sa kaniya. Walang makakapagsasabi sa kaniyang, 'Bakit mo ito ginawa?''