Job 12:22
Inilalantad niya ang mga malalalim na bagay mula sa kadiliman at inilalabas sa liwanag ang mga anino kung saan naroon ang mga patay.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
He discovereth deep things out of darkness, and bringeth out to light the shadow of death.
In Context
Cross References
2 Kings 6:12Kaya sinabi ng isa sa kaniyang mga lingkod, “Hindi, panginoong hari, dahil si Eliseo na propeta ng Israel ang nagsasabi sa hari ng Israel ng mga sinasabi mo sa iyong silid!”
Job 11:6na ipakita sa iyo ang mga lihim ng karunungan. Dahil dakila siya sa pang-unawa. Saka mo alamin na ang hinihingi sa iyo ng Diyos ay mas magaan sa nararapat sa iyong kasalanan.
Job 28:20Kung gayon, saan nga nagmumula ang karunungan? Saan ang lugar ng pang-unawa?
Psalms 44:21hindi kaya ito sisiyasatin ng Diyos? Dahil nalalaman niya ang mga lihim ng puso.
Psalms 139:12hindi makakapagtago kahit ang kadiliman mula sa iyo. Lumiliwanag ang gabi tulad ng umaga, dahil ang kadiliman at liwanag ay magkatulad sa iyo.
Amos 5:8Nilikha ng Diyos ang Pleyades at Orion; ginawa niyang umaga ang dilim; pinagdidilim niya ang araw na maging gabi at tinawag niya ang mga tubig sa dagat; ibinubuhos niya ang mga iyon sa ibabaw ng mundo. Yaweh ang kaniyang pangalan!